image
Saturday, August 2, 2008

To the Women of Malolos


Ang larawan na ito ay isa sa mga pinaka paborito kong larawan. Isang kaibigan ang unang nakatuklas at nagpakita sa akin ng tila kakaibang painting na ito. Ayon sa aking kaibigan, ang larawan daw na ito ay pinangalanan ng pintor na “Thorns behind Transparency”. Nang aking tanungin kung bakit iyon ang paksang napili ng pintor sa ginawa niyang larawan, ang sabi ng niya sakin ay, “The title was inspired by those people, usually the women, who always deceive others with their spell-binding looks and timid behavior. They seem to be almost, always transparent, and yet they’re an entirely different, even hateful, person deep within”.

Aking napagtanto na ang description ng paksa ng larawang ito ay tamang-tamang sa aking natuklasang kalagayan ng mga kababaihan noong panahon ng mga Kastila. Walang pagaalinlangan na ang mga kababaihan noon ay tulad ng babaeng nasa larawan. Sa unang tingin ay mapapansin ang nakabibighaning kagandahan ng larawan ng babae. Ang background nitong puti, na simbolo ng kalinisan at kaluwalhatian, ay dumadagdag pa sa kagandahang ito. Ang mga iba’t ibang kulay sa larawan na parang palamuti na nakapaligid sa dalaga ay tila nagpapabighani pang lubos. Marahil ay sasabihin ng iba na hindi alam ang paksa ng larawan na isa itong painting na sumisimbolo sa mga positibong karakter ng isang babae. Ngunit sa aking palagay, ang paghihirap ng isang babae ang tunay na isinasalarawan nito.

Gaya na lamang ng paksa ng larawan, ang mga babae noon ay higit na nahihirapan sa kabila ng animo’y makulay at payapang imahe nila. Marami ang nagaakalang sila ay nabubuhay sa katahimikan at walang iniisip na suliranin. Iilan lamang ang nakakaalam na ang mga kababaihan noong panahon ng Kastila ay lubos din nagsasakripisyo at nagpaparaya upang hindi na magdulot ng ano pa mang gulo.

**Ang ilan sa mga nabanggit ay pawang kathang isip lamang...

8/02/2008 07:46:00 AM