image
Saturday, March 7, 2009

General Elections na naman. Panahon na naman ng walang katapusang pangungumbinse ng mga candidates, campaign officers, at members ng mga political parties sa mga mamboboto. Nandyan ang pagtetext sa'yo for the first time in jurrasic history ng kung sino-sino, asking for your support, persuading you to vote for them. And of course, ang mga pangiti-ngiti at pagbati-bati ng mga taong ngayon lang pumansin sa'yo ever. Galing! Instant friend mo na sila, wala ng ano-ano. Bongga kasi nageexpand ang circle of friends mo, yun nga lang e panandalian lang. Ang mga katagang "Vote deretso!" at "Vote straight!" ay mamayagpag na naman sa iba't ibang sulok ng Pamantasang De La Salle. Mapupuno na naman ng mga tarpaulins, gpoa's, spoa's, red/black at yellow/blue shirts, lanyards, pins, at kung ano-ano pang collectibles mula sa mga nagtatagisang political parties. Mageenjoy na naman ang mga estudyante sa mga RTR's na tumatagal ng 3 hanggang 5 minuto. Masaya 'to kasi panandaliang titigil ang mga klase, at ang tangi mo lang gagawin ay ang makinig at manood sa mga naglalakasang boses ng mga candidates. Fun din 'to kasi kahit papaano nababawasan yung lecture time ng mga professors.


Haay. General Elections na naman. Sino-sino ba ang mga tatakbo? Sino-sino nga ba ang mga dapat kong iboto? At sino-sino nga ba ang mga karapat-dapat na manalo?


Malabo.


Iba’t-ibang tactics ang ginagamit, pero iisa lang naman ang objective—ang makakuha ng mas maraming boto. Kaya naman madalas nagkakaroon ng tension between the clashing poltical parties. Hindi ko alam kung kanino ako maaawa, sa mga candidates ba or sa mga voters? Sa kung sino mang ginawang General Elections ang buhay nito, sa kung sino mang may pangunahing layunin na manalo at ina-apply lahat ng posibleng techniques/tactics para lang makalamang ka ng mga boto (e.g. instant friends technique, smiling drama, text brigade strategy, email-flooding method, provide collectibles approach and other forms of pestering), sigurado ako, hindi mo makukuha ang simpatya ko. At lalong hindi mo makukuha ang boto ko.


Hangga’t hindi mo naipapakita sakin kung bakit dapat kitang iboto ng hindi ginagamit ang mga annoying campaign strategies mo, hindi kita iboboto.

Hangga’t hindi mo nabibigyan ng sense ang pagtakbo mo bilang isang miyembro ng Student Council, hindi kita iboboto.

Hangga’t hindi mo napapatunayan sakin ang worth mo, regardless of how plenty your credentials are, sorry. You won’t get my vote.


I’m neither for TAPAT nor for SANTUGON. So don’t expect me to vote straight or vote deretso.
Ayokong masayang ang boto ko. Let me weigh my options.



3/07/2009 11:13:00 AM